Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte, nakalabas na ng bansa

Nakalabas na ng bansa alas-7:31 kagabi, November 4 patungong Los Angeles, California, USA ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez.

Base ito sa impormasyon na natanggap ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Rep. Joel Chua mula sa Immigration counter at Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 1.

Si Lopez at anim na iba pang opisyal ng Office of the Vice President (OVP) ay kabilang sa hindi na naman sumipot sa ika-apat na pagdinig ngayon ng Kamara ukol sa kwestyunableng paggamit sa P612.5-M na confidential funds para sa OVP at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara.


Ang nabanggit na mga OVP officials ay kasama din sa immigration look out bulletin order na hiniling ng Kamara sa Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments