Chief PNP Cup Shooting Competition, magbubukas ngayong araw

Umarangkada ngayong umaga ang Chief Philippine National Police (PNP) Cup Shooting Competition sa Arms Corporation (Armscor) Shooting Range sa Marikina City.

Ang apat na araw na kompetisyon na magtatapos sa Agosto 20 ay inaasahang lalahukan ng 490-gun enthusiasts mula sa 55 unit at tanggapan ng PNP.

Sa pangunguna ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ipapamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang shooting category, sa isang friendly competition.


Ayon kay Acorda, ang paligsahan sa husay na humawak ng baril ay bahagi ng commitment ng PNP na isulong ang firearm proficiency at disiplina sa hanay ng pambansang pulisya.

Inaasahan din na magsisilbi itong inspirasyon sa lahat ng tauhan ng PNP na itaguyod ang camaraderie at propesyonalismo sa paggampan ng kanilang tungkulin na paglingkuran ang taumbayan.

Facebook Comments