Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, inirekomenda kay Pangulong Duterte na pirmahan ang Anti-Terrorism Bill

Inirekomenda na ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan ang Anti-Terrorism Bill.

Ayon kay Panelo, pinag-aralan na ng kanyang tanggapan ang bawat probisyon ng panukalang batas na aniya’y pumasa sa constitutional test.

Giit din ni Panelo na may sapat na safeguards ang panukala para matiyak na hindi malalabag ang karapatang pulitikal at sibil ng mamamayan.


Magsisilbi rin aniya itong makapangyarihang armas laban sa banta ng terorismo.

Sa ngayon, pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang kailangan para ito ay maging ganap na batas.

Awtomatiko rin itong magiging batas 30 araw mula nang matanggap ng kanyang opisina ang kopya ng panukala.

Una nang sinabi ni Panelo na maaaring kwestyunin ito sa Korte Suprema sakaling maisabatas ang Anti-Terrorism Bill.

Facebook Comments