Manila, Philippines – Nanindigan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na legal at walang paglabag sa batas ang compromise deal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tax cases ng Mighty Corporation.
Ayon kay Panelo, malinaw na pinapayagan sa batas ang kompromiso sa mga tax cases at walang nilalabag dito ang pangulo.
Matatandaan, sinabi kamakailan ng pangulo na balak niyang magkaroon na lamang ng p3-billion compromised agreement sa Mighty Corp. na nahaharap sa p9.5 billion tax evasion case sa Department of Justice.
Sabi Panelo, dapat alalahanin nina Finance Secretary Sonny Dominguez at Bureau of Internal Revenue Commissioner Cesar Dulay na de kalibreng abogado si Pangulong Duterte at alam nito ang batas.
Paglilinaw pa ni Panelo, kailangan pa namang maisampa sa korte ang tax case bago pag-usapan ang compromise deal.
Una nang sinabi ng pangulo, na baka abutin pa ng dekada kung idadaan sa Korte ang tax cases kaya maiging pumasok nalang sa kompromiso para mapakinabangan ang ibabayad na pera sa gobyerno.
Facebook Comments