Chief Tanod, Huli sa Aktong Pagbebenta ng Shabu

Cauayan City, Isabela-Dinakip ng mga awtoridad ang isang Chief Tanod matapos ang ikinasang drug buy-bust operation bandang 5:40 kahapon sa Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Marco Paulo Angeles, 43-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Poblacion North, Solano, Nueva Vizcaya.

Huli suspek sa aktong pagbebenta ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer kapalit ang P1,000.


Narekober sa pag-iingat ng suspek ang tatlong (3) piraso ng pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P3,000 at mga drug paraphernalia.

Nabatid na si Angeles ay kasama sa listahan ng PNP/PDEA Priority Target Listed Drug Personalities at dati na ring kabilang sa Tokhang Responder at napasailalim sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP).

Sinampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments