Una rito, isang masugid na tagapakinig ng iFM Cauayan ang nagpaabot ng impormasyon kaugnay sa pinagkaguluhang tanod na nakitang nakahandusay sa batuhan dala ng sobrang kalasingan nitong Sabado de Gloria kung saan isinakay pa ito sa sasakyan ng Rescue para lang maihatid sa kanyang bahay.
Sa pakikipag-ugnayan ng iFM Cauayan kay Brgy. Captain Ben Lazaro Jr., humihingi ito ng paumanhin sa nagawa ng kanyang Tanod na si “Marlon” subalit kanyang sinabi na papatawan pa rin nito ng disciplinary action upang sa ganon ay hindi rin tularan ng ibang tao.
Ayon sa Kapitan hindi ito nagkulang sa pagbibigay paalala sa kanyang mga kasamahan dahil bago pa aniya ang Holy Week ay napagsabihan na ang kanyang mga Kagawad at Tanod na gawin ang responsibilidad at paigtingin ang pagbabantay ngayong Lenten Season.
Mabibigyan naman aniya ng pangalawang pagkakataon na maipagpatuloy ang trabaho ng Tanod kung makikitaan ito ng pagbabago.
Sa panayam naman kay brgy. Kagawad Rene, isa sa mga kasamahan ng Tanod na nagbabantay sa ilog, hindi umano nito namalayan kung saan o kanino nakipag-inuman ang nasabing Tanod dahil paminsan-minsan ay umaalis umano ito sa kanyang pwesto.
Iginiit din ng Kagawad na bagamat sila ang magkakasama sa pagbabantay mula Huwebes Santo hanggang ngayong Linggo ng Pagkabuhay ay hindi umano ito uminom ng alak at hindi rin aniya nito alam kung paano nalasing ang kasamahan.
Ipinagpapasalamat na lang din ng Kagawad dahil hindi nag-amok o nanggulo ang Tanod nang ito ay malasing.
Sa ngayon, bagamat dinagsa ng maraming tao ang ilog sa nasabing barangay ay maituturing pa rin na payapa ang buong barangay ng Palagao dahil walang naitalang insidente ng pagkalunod o untoward incidents ngayong semana santa.