Chief Tanod, Nalunod-Patay!

*Cauayan City, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Chief Tanod matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Furao, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Thomas Baquiran, 62 anyos, may asawa at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagtungo sa ilog ang biktima kasama ang pamilya at kamag-anak partikular sa quarry site upang mag picnic.


Habang nag-iinuman ang mga ito ay nakarinig ng tulong mula sa ilang kamag-anak dahil sila’y nalulunod na agad namang pinuntahan at sinubukang i-rescue ng biktima.

Sa kasawiang palad ay natangay ng malakas na agos ng tubig si Baquirin na nagresulta sa kanyang pagkalunod.

Maswerte namang nailigtas ng kanyang kasamahan ang dalawa nitong kaanak.

Sa isinagawang searched and rescue operation ng kasamahan ng biktima ay nakita rin ang bangkay nito sa ilog na wala nang malay.

Sinubukan pa itong dalhin sa ospital subalit idineklara din na dead on arrival ng kanyang attending physician.

Facebook Comments