CHIKITING BAKUNATION DAYS, ISASAGAWA SA PANGASINAN

Nakatakdang isagawa ang Chikiting Bakunation Days sa lalawigan ng Pangasinan sa darating na ika-28-29 ngayong Abril.
Sa inilabas na National Immunization Program Regional Advisory No. 2 ng DOH-CHD1, ang Chikiting Bakunation Days ay isasagawa tuwing huling Huwebes at Biyernes ng Abril at Mayo.
Layunin nito na mabigyan ng routine at catch-up immunization ang mga sanggol sa rehiyon.

Kabilang sa ibibigay na bakuna sa mga bata ay ang BCG, Hepatitis B, Pentavalent, Oral Polio, Inactivated Polio, Pneumococcal Conjugate, Measles, Mumps at Rubella Vaccine.
Bagamat inisyal na isasagawa ito sa Pangasinan,hinihikayat ang probinsiya ng Ilocos Norte,Ilocos Sur at La union na simulan ang Chikiting Bakunation hanggang sa mayroon suplay ng bakuna.
Inatasan na ang kawani ng mga DOH na magsagawa ng information dissemination campaign upang mas maraming bata ang mabigyan ng bakuna.
Samantala, ang pagbabakuna kontra covid-19 sa mga pribadong klinika, pharmacies, economic zones at occupational health clinics ay magpapatuloy. | ifmnews
Facebook Comments