Opisyal nang sinimulan ng Quezon City government ang Chikiting Bakunation Days program ng Department of Health (DOH).
Kahapon, isinagawa ang ceremonial vaccination sa mga sanggol sa Quezon City Hall.
Ayon kay QC Health Department Officer-in-Charge Dr. Esperanza Anita Escano-Arias, target na mabakunahan ang mga sanggol edad 23 buwang gulang pababa.
Proteksyon ito laban sa mga sakit tulad ng polio, tigdas, beke, rubella, at hepatitis B.
Mismong mga city health workers ang mag-iikot sa mga barangay at komunidad upang magbahay-bahay para mabakunahan ang mga bata.
Tatagal ang Chikiting Bakunation program hanggang Hunyo 20.
Facebook Comments