Tatagal pa ang Chikiting Ligtas bakunahan kung saan target mabakunahan ang bawat bata sa lungsod ng Pasay.
Una rito naging matagumpay ang unang araw ng bakunahan kontra polio, rubella at tigdas simula pa noong Lunes.
Ayon kay Pasay City Health Office Chief Dr. Maria Lourdes San Juan, mahigit 2,000 ang nabakunahan sa unang araw ng Chikiting Ligtas sa kanilang siyudad.
Nasa 1, 304 ang mga napatakan ng oral polio vaccine o OPV sa mga edad zero hanggang 59 months, umabot naman sa 1,149 ang mga naturukan ng measles-rubella vaccine sa mga 9 hanggang 59 months.
Samantala patuloy na hinihimok ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang lahat ng residente sa lugar na tumulong para hikayatin pa ang kanilang mga kamag-anak at kakilala na pabakunahan ang mga bata.