Inumpisahan na ang campaign ng Chikiting Ligtas Immunization sa Mangaldan ngayong Mayo na siyang magtatagal hanggang May 31.
Ang campaign na ito para sa mga bata ay naglalayong mailayo ang mga batang nasa edad apat na taong gulang pababa mula sa banya ng measles (tigdas), rubella (tigdas-hangin) at polio.
Ang pagsasagawa ng Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine (MR-OPV) Supplemental Immunization Activity na ito ay mula sa Department of Health sa pakikipag ugnayan ng mga lokal na pamahalaan.
Lilibot mula May 2-31, 2023 sa ibat ibang barangay ang pangangampanya ito ng DOH.
Hinihikayat naman ng LGU Mangaldan sa tulong ng Municipal Health Office, ang mga magulang na gamitin na ang pagkakataon na ito para mabakunahan ang kanilang mga anak para sila ay ligtas, protektado at malusog ang kanilang paglaki.
Makikita ang schedule ng Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine (MR-OPV) Supplemental Immunization Activity sa mga barangay sa bayan ng Mangaldan sa kanilang LGU official facebook page. |ifmnews
Facebook Comments