CHILD DEVELOPMENT CENTERS SA LINGAYEN, NAKATANGGAP NG MOVABLE KITCHEN AT COOKING MATERIALS MULA SA LGU

Nakatanggap ng libreng movable kitchen at cooking materials ang mga Child Development Centers sa Lingayen mula mismo sa kanilang lokal na pamahalaan.
Tumanggap ang nasa labinglima o 15 na day care workers bilang mga benepisyaryo at mula sila sa mga sumusunod na mga Child Development Centers (CDC) sa mga Barangay tulad ng Pangapisan North, Aplaya, Domalandan East, Domalandan Center, Domalandan West, Sabanga, Eztanza, Balangbong, Bantayan, Tumbar, at lima pang kalapit barangay.
Paglilinaw naman ng MSWDO na ang mga benepisyaryong Barangay na nabanggit ay unang batch pa lamang at may mga susunod pa.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na masigurong nahahanda ng malinis ang pagkain na inihahain sa mga bata sa mga Day Care Center at maturuan ang mga ito ng basic skills gaya ng handwashing at pagsisilpilyo. |ifmnews
Facebook Comments