CHILD DEVELOPMENT CENTERS SA MANAOAG, MADADAGDAGAN PA

Madadagdagan pa ang mga Child Development Centers sa bayan ng Manaoag bilang patuloy na pagsuporta na malinang ang kakayahan at kaalaman ng mga batang mag-aaral.

Nakatakdang ang pagpapatayo ng Child Development Center sa bahagi ng Barangay Licsi kung saan naglaan ang lokal na pamahalaan ng pondong nangkakahalaga ng 600,000 pesos.

Mjla ang pondo sa 20% Development Fund habang ang matiturang halaga ay sagot ng barangay para bumili ng lupa kung saan itatayo ang pasilidad.

Kasalukuyang pinoproseso ang mga legal na dokumento para sa katibayan ng pagmamay-ari na ng barangay ang ilalaang lupa sa pagsasakatuparan ng nasabing pasilidad.

Facebook Comments