CHILD-FRIENDLY SPACE MANAGEMENT TRAINING, INILUNSAD NG DSWD FO2

Cauayan City – Isa sa prayoridad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 ay masiguro na ligtas at maayos ang kalagayan ng mga bata tuwing panahon ng sakuna at kalamidad.

Dahil dito, naglunsad ang kagawaran ng apat na araw na pagsasanay para sa 35 indibidwal na kinabibilangan ng mga miyembro ng 13 LGU’s sa rehiyon, at kawani ng Quick Response Team ng DSWD FO2.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng tama at sapat na kaalaman ang mga kalahok patungkol sa pangangasiwa ng Child-Friendly Space, partikular na sa pagbuo ng maayos na kapaligiran na makatutulong sa mga batang biktima ng sakuna.


Ang nasabing pagsasanay ay bilang pagtugon sa Memorandum Circular No. 2 series of 2021, nakasaad dito ang pagkakaroon ng mga pasilidad tulad ng Women-Friendly Spaces, Community Kitchens, Prayer Rooms, at CFS sa loob ng Evacuation Centers.

Facebook Comments