Isinulong ang mas ligtas at mas kaaya-ayang pagkatuto para sa mga batang mag-aaral sa inilunsad na bagong Kindergarten Learning Environment ng Poponto Integrated School sa Bautista, Pangasinan.
Pormal na isinagawa ang turnover ceremony para sa pinaayos na pasilidad, na idinisenyo upang maging mas ligtas, mas makulay, at higit na nakapagpapalakas ng aktibong pagkatuto.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin nitong magbigay ng child-friendly space na tutulong sa mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang partisipasyon, pagkamalikhain, at sigla sa pag-aaral.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, administrasyon ng paaralan, mga guro, at miyembro ng komunidad na nagpahayag ng kanilang suporta sa pagpapabuti ng pasilidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









