Biinuksan ng pamunuan ng Manila City Jail ang child-friendly visitation area sa kanilang male dormitory.
Ito’y upang magkaroon ng ligtas at mas makabuluhang pagdalaw ang mga anak ng mga persns deprive of liberty (PDLs).
Layunin ng programa na bigyan ng pagkakataon ang mga PDL na makasama ang kanilang mga anak upang kahit sa maigsing panahon ay magampanan nila ang kanilang mga tungkulin bilang ama sa mga ito.
Parte din ng nasabing programang ang pagkakaroon ng read-a-book actvity sa mga anak ng PDL at ang pagtuturo ng mga PDL sa kanilang mga anak na magsulat at magbasa.
Katuwang naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Manila sa kanilang programa ang welfare development section, CRS, custodial unit at iba pang kawani ng Manila City Jail male dorm.