CHILD LABOR MONITORING, ISINAGAWA NG DOLE – NUEVA VISCAYA FIELD OFFICE

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng monitoring ang DOLE-Nueva Vizcaya Field Office sa bayan ng Solano para sa mga batang manggagawa.

Katuwang ng ahensya ang PESO-Nueva Vizcaya ay nag-house-to-house visit ang mga kawani sa mga batang naprofile noong 2018 hanggang taong 2021.

Ayon sa resulta ng monitoring, mayroon pa ring mga bata ang pasok sa child labor.


Dahil dito, inirekomenda ng ahensya sa mga magulang o guardians ang mga programang makakapagbigay ng tulong pangkabuhuyan para sa mga ito.

Ang monitoring na isinagawa ay isang hakbang para mawakasan ang child labor sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Facebook Comments