Child labor sa bansa, may 3 bagong anyo na – DOLE

Mayroong lumilitaw na tatlong bagong anyo ng child labor sa bansa.

Ayon kay Department of Labor and Employment – Bureau of Workers with Special Concerns (DOLE-BWSC) Director Ma. Karina Perida-Trayvilla – una ay ang own-use production work.

Inihalimbawa ni Trayvilla ang producing at processing para sa storage ng agricultural, fishing at gathering products.


Ang ikalawa ay ang unpaid trainee work, kung saan ginagawa ng bata ang trabaho na walang bayad para makakuha ng experience o skills, kabilang ang training o re-training schemes sa ilalim ng employment promotion programs.

Ang ikatlong uri ay volunteer work kung saan ito ay isang non-compulsory na ginagawa na walang bayad sa pamamagitan ng mutual aid o community-based groups.

Sinabi ni Trayvilla na walang eksaktong datos kung ilang child workers ang nagtatrabaho sa tatlong uri ng child labor.

Ang child labor ay mga batang nasa 15-anyos pababa na nagtatrabaho, na ikinukunsiderang ilegal sa bansa.

Inirekomenda na ni Trayvilla kay Labor Secretary Silvestre Bello III na magsagawa ng conduct of research upang malaman pa ng buo ang mga bagong uri ng child labor.

Facebook Comments