CAUAYAN CITY – Nilagdaan ng mga ahensya ng gobyerno ang isang Memorandum of Agreement bilang suporta na mawakasan na ang child labor sa rehiyon.
Kaugnay nito, nag organisa ang Department of Labor and Employment Regional Office 2 ng programa para sa mga batang manggagawa kagaya ng pagbibigay ng mga regalo, mga palaro, painting sessions, at libreng dental and medical check-up.
Watch more balita here: 49-KATAO, PATAY SA SUNOG SA KUWAIT
Samantala, ang mga magulang naman ay nakatanggap ng tulong pinansyal na P 3,000 mula sa DSWD at sahod mula sa programang TUPAD ng DOLE RO2.
Dahil sa mga programa at tulong na ipinaabot ng ahensya, mayroon ng mahigit 4,000 na kabataan ang naalis sa child labor at mayroon na ring mahigit 1,200 na magulang/ guardians ang nabigyan ng livelihood assistance.