CHILD LABORERS SA REGION 1, NAPAMAHAGIAN NG PAMASKO MULASA DOLE ILOCOS

Nakatanggap ng pamasko ang mga child laborers mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Regional Office 1.
Hindi lang mga gift packs kundi nagbigay din ito ng pag-asa para sa magandang kinabukasan ang ibinigay ng DOLE sa mga child laborers at kanilang mga pamilya
Ang pamamahaging ito ay sa pamamagitan ng Project Angel Tree.
Ipinamahagi ng DOLE Ilocos ang mga learning supplies, hygiene kits, food items, at advocacy materials sa 300 bata na na-profile bilang child laborers sa pamamagitan ng Child Labor Elimination and Prevention Program (CLEPP) ng DOLE sa Region One.

Naabutan ng DOLE Ilocos ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang bayan mula sa Pangasinan, gaya ng Basista, Mangaldan, Mapandan, San Jacinto, walo Calasiao, Santa Maria, at Sison.
Meron rin nakatanggap sa La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte. |ifmnews
Facebook Comments