
Siyam na araw bago ang eleksyion, nagsagawa ng lakad para sa malinis na eleksiyon ang ilang mga grupo na may adbokasiya na nagsusulong ng karapatan ng mga bata.
Bitbit ang mga poster na nagtataglay ng mga kataga na wakasan ang kagutuman, karahasan at online sexual abuse and exploitation of children, naglakad ang grupo sa oval ng up diliman.
Sa datos ng Social Weather Station Survey, 55 porsiyento ng mga Filipina ay ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.
Ayon kay Candice Sering, Local and International Coordinator ng Salinlahi Alliance of Childrens Concern, nakaaalarma ang report ng Commission on Human Rights na nasa tinatayang 2.7 milyon ang naiulat na kaso ng online sexual abuse and exploitation habang sa nakalipas na war on drugs kabilang ang mga kabataan sa mga napatay.
Kaugnay nito, nanawagan at hinamon ng Child Right Advocate ang mga kandidato ng 2025 Elections na maglatag ng mga konkretong hakbang upang malabanan ang online sexual abuse and exploitation, kasama na ang paggawa ng mga batas para dito.









