Child Rights Network, umalma sa ginawang pagpre-presenta sa publiko at sa media ng mga kabataang nasasangkot sa gulo o krimen

Umalma ang grupong Child Rights Network sa ginawang papre-presenta ni Manila Mayor Isko Moreno sa publiko at sa media ng limang kabataan na sumunog sa tindang lobo ng isang vendor sa Pandacan.

Sa pahayag ng Child Rights Network, pinapa-alalahanan nila si Moreno na isipin at pangalagaan pa rin sana ang kapakanan ng mga menor de edad.

Batid ng grupo ang magandang intensyon ng alkalde para sa naturang problema, pero may mga alituntunin na sinusunod sa ilalim ng batas kapag nasasangkot sa krimen o kaso ang isang menor de edad.


Kabilang na dito ang pagpo-protekta sa pagkakakilanlan mga bata at ang kumpedensyal sa kinakaharap nitong kaso.

Bagama’t may ilang kabataan daw ang nasasangkot sa krimen at anti-social activities, mas maigi daw sana na pagtuunan ito ng pansin ng gobyerno para mabawasan o matigil na.

Bilang isa sa mga lider ng kapitolyo ng bansa, hinihimok ng grupo si Mayor Isko na palaging isipin ang interes ng mga bata, dahil maaari silang magkaroon ng takot o trauma kung saan bukas daw silang makipagdayalogo sa alkalde at sa iba pang lokal na pamahalaan para pag-usapan ang isyu ng mga kabataan na nasasankot sa gulo o krimen.

Facebook Comments