Children w/ special needs sa Maguindanao , nagdiwang!

Napuno ng kagalakan at ngiti ang pagdiriwang ng Special Children’s Fun Day na isinagawa sa Division 2 Covered Court sa Tenorio Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao ngayong umaga.
Kabilang sa mga lumahok ang 65 na mga mag aaral mula sa Maguindanao SPED Center, Datu Odin Sinsuat North at South District, Parang North and South District, Upi North and West District at Sultan Matura District.
Maliban sa pinasaya ang mga ito ni Jollibee at binusog pa ng mga pagkaing hatid nito, masaya ring lumahok ang kabataan at mga magulang sa Poster Making, Collage, Singing, Clay Molding, Building Blocks at Beads Artworks.
Nagpasalamat naman si Bai Alibai Benito Aliuden, Schools Division 2 Superintendent sa lahat ng mga guro at magulang na walang sawang naggagabay sa kanilang mga anak na may special needs.
Samantala , inihayag rin ni Ms. Lynette Estandarte, Head ng Peoples Medical Team , at sya ring ng nag inisyatiba sa nasabing programa sa direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu na magpapatuloy ang kanilang adbokasiya para ipadama na pantay pantay ang pag papaabot ng serbisyo ng pamahalaan sa lalawigan.
Patuloy rin ang paghikayat ng Provincial Government sa lahat ng mga magulang sa Maguindanao na may mga special kids na makiisa kanilang kampanya alang alang sa mga kabataan na higit na nangaingailan ng pag aaruga ng magulang at edukasyon.





Facebook Comments