Patuloy ang kasiyahan, laro, at pagkatuto sa ikalawa at ikatlong araw ng Children’s Summit 2026, na dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Dagupan.
Naging tampok sa ikalawang araw ang iba’t ibang paligsahan gaya ng Poem Recitation para sa unang baitang, Quiz Bee para sa ika-anim na baitang, Pagsulat ng Sanaysay para sa ika-pito at ikawalong baitang, at Draw and Tell para sa ikatlong baitang. Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talino, husay, at malikhaing kakayahan—patunay ng galing ng mga batang Dagupeño.
Samantala, mas naging makulay ang ikatlo at huling araw ng summit sa pag-ikot ng mga bata sa iba’t ibang activity booths, kasama ang mga katuwang at sponsors. Maraming freebies, sorpresa, at masasayang aktibidad ang inihandog, dahilan upang maging masaya at makabuluhan ang pagtatapos ng tatlong-araw na programa.
Ang Children’s Summit 2026, na ginabayan ng temang “Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!”, ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Education – Dagupan City. Ipinapakita nito ang patuloy na pagsuporta sa United Nations Convention on the Rights of the Child, habang pinahahalagahan ang boses, pangarap, at kinabukasan ng bawat bata.










