Isinagawa ngayong araw ang Chili Festival 2023 na hindi rin pinalampas ng ilan sa ating mga kababayan na talagang tumatangkalik sa gawang Pinoy.
Matatandaan na ang huling Chili Festival ay noong pang 2019 dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa pangunguna ng Philippine Chili Federation at ng iba pang organisasyon, kasama ng DZXL 558 Radyo Trabaho, maayos at naging matagumpay ang isinagawang event.
Iba’t ibang kompetisyon din ang naganap gaya na lamang ng Labuyo 100 rites at Chili pod eating contest na talaga naman nilahukan ng ilang Pinoy.
Samantala, ang Chili Festival 2023 ay tumatalakay sa mga gawang Pinoy o gourmet na talagang patok sa panahon ngayon.
Facebook Comments