CHILL MUNA | 2018 Ms. Universe Philippines Catriona Gray, ini-enjoy pa ang pahinga bago sumabak sa training

Manila, Philippines – Ini-enjoy pa rin ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray ang pahinga bago simulan ang formal training para sa international pageant.

Kahapon nang isagawa ang unang advocacy appearance ng mga Binibining Pilipinas winners sa Araneta Coliseum kaugnay ng autism awareness.

Kasabay nito, nagkomento rin si Catriona tungkol sa mga bagong korona ng Binibining Pilipinas na kahawig raw ng mga ibinebenta online sa murang halaga.


Say ng beauty queen, “It’s the queen that makes the crown”… at mas importante ang legacy na maiiwan nila kahit ano pa ang design ng korona.

Samantala… isa rin sa mga pinag-usapan sa pageant ang volleyball player na si Michele Gumabao.

Kahit magiging abala sa kanyang training bilang pambato ng Pilipinas sa Miss Globe, hindi pa rin daw niya iiwan ang first love niyang volleyball.

Facebook Comments