Tinawag na kontrobersiyal ng isang University of the Philippines (UP) professor ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin kamakailan na hindi maituturing na armed attack ang pagkuyog ng mga tauhan ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine Navy na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa Kapihan sa Quezon City, sinabi ni Professor Danilo Arao na malinaw pa rin na may provocation na ginawa ang China kahit sila gumamit ng mga baril.
Kaugnay nito, sinabi ni Arao na dapat matukoy kung sino ang responsable sa pagkasugat ng ilang sundalo at pagkaputol ng daliri ng isang Navy.
Dapat din aniyang magbigay ng sincere apology ang China at panagutin ang sundalong nasa likod nito.
Samantala, sinabi pa ni Arao na mismong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat magpaliwanag sa umano’y kontrobersiyal na gentleman’s agreement at hindi iasa sa mga dati nitong gabinete.
Aniya, ang dating pangulo lamang ang makakasagot kung totoo o hindi na may kasunduan lalo’t dati pa problema ang ganitong pangha-harass ng China.