China, dapat magpaliwanag sa bakuna nito na ilegal na nakapasok sa Pilipinas

Pinagpapaliwanag at pinapag-imbestiga ni Senator Risa Hontiveros ang China kaugnay sa Chinese COVID-19 vaccines na ilegal na nakapasok sa Pilipinas.

Giit ni Hontiveros, responsibilidad ng China na alamin kung paano nakalabas sa bansa nila at nakarating sa atin ang hindi natin otorisadong bakuna.

Ipinunto ni Hontiveros na sa lakas ng seguridad at surveillance sa China ay imposibleng hindi nila malalaman kung sino ang may pakana ng nasabing black market vaccines.


Katwiran ni Hontiveros mahalaga na maging transparent ang China para pagtiwalaan ang bakuna nito ng buong mundo na makakatulong sa paglaban sa pandemya.

“China must explain. Responsibilidad nilang alamin kung paano nakalabas sa bansa nila at nakarating sa bansa natin ang mga ilegal na bakuna. Transparency from their end could raise the public trust in China-made vaccines, not only in the Philippines but also across the world. Sa huli, makakatulong ito sa pagbangon ng mundo laban sa pandemya,” ani Hontiveros.

“Sa lakas ba naman ng seguridad at surveillance sa China, imposibleng hindi nila malalaman kung sino ang may pakana ng black market vaccines na ito,” giit pa ng senadora.

Facebook Comments