Dapat lang na sumunod ang China oras na ideklara ng gobyerno ng Pilipinas na Marine Protected Areas ang pag-asa island at Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ng political analyst na si Prof. Clarita Carlos sa harap ng pangambang hindi sumunod ang China at madehado ang mga mangingisdang Pinoy.
Ayon kay Carlos, hindi dapat kalimutan ng China na signatory rin ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
Sa ilalim ng nasabing international treaty, nakasaad ang tungkulin at pananagutan ng mga bansa sa paggamit ng mga karagatan.
Naniniwala din si Carlos na kailangan ng mas maigting na kampanya para baguhin ang pananaw hinggil sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Facebook Comments