China, dapat sisihin sa pagkasira ng mga coral system sa Pag-asa Island – PCG

 

 

Naniniwala ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang China ang nasa likod ng pagkasira ng mga coral system sa Pag-asa Island.

Kasunod ito ng napaulat na nasirang Cay 1,2, at 3 sa Pag-asa Island na sakop ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, wala nang iba pang dapat sisihin dito kundi ang China at ang ginagawa nilang reclamation at pagtatayo ng mga pasilidad.


Punto ni Tarriela, bukod sa Pilipinas ay ang China lang naman ang pabalik-balik sa lugar kung saan may nakatayo na rin sa malapit na reclaimed military base.

Sinabi pa ng opisyal na mismong ang China ang pumipigil sa mga marine scientist ng Pilipinas na magsagawa ng survey sa lugar kung saan napaulat nga noon ang pagpapalipad ng military helicopters para itaboy ang mga nagsasagawa ng research.

Sila rin ang kilala sa paninira ng coral system at pagtatambak sa iba’t ibang bahagi ng karagatan.

Facebook Comments