
Dumepensa ang China sa pagkabahala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dumadaming Chinese research ships na pumapasok sa Philippine Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa nakalipas na mga buwan.
Partikular ang pahayag ni PCG Commodore Jay Tarriela na kaduda-duda ang paglalayag at ang paggamit ng China ng underwater equipment nang walang kaukulang permiso mula sa pilipinas.
Sa mensahe ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, iginiit nito na may sovereign rights ang China sa Nansha Islands o sa Spratlys at sa mga karatig nitong karagatan.
Dahil dito, lehitimo anila ang pagsasagawa ng Chinese vessels ng mga aktibidad sa hurisdiksyon ng China.
Igininiit din ng China na hindi nakatutulong sa pagresolba sa maritime disputes ang mga katulad na pahayag ng ilang opisyal ng Pilipinas.
Naniniwala ang Tsina na ang dayalogo at negosasyon pa rin ang pinakamainam na solusyon sa usapin.









