China, dumipensa na sa pagharang ng Chinese coast guard sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin shoal

Dumipensa na ang China sa pagkondena ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na hinarang ng Chinese coast guard ang dalawang barko ng Pilipinas at binombahan pa ng water cannon habang patungo sa Ayungin shoal.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian, kinatigan lang ng kanilang coast guard ang kanilang soberenya nang pumasok ang barko ng Pilipinas na may dalang pagkain para sa Filipino troops sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal sa South China Sea.

Paliwanag pa ni Zhao, pumasok ang Philippine ships sa Chinese waters noong gabi ng November 16 nang walang paalam.


Dahil dito, agad na ipinatupad ng coast guard vessels ang kanilang obligasyon na naaayon sa batas na protektahan ang soberenya ng China.

Nakatakda namang mag-usap ang China at Pilipinas hinggil dito.

Facebook Comments