“Gusto lamang makipagkaibigan ng China sa Pilipinas”
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng gusot ng dalawang bansa sa West Philippines Sea.
Sa campaign ng PDP-Laban sa Malabon City, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagmamagandang loob ng China lalo na sa pagbibigay ng armas sa Pilipinas matapos ihinto ng Estados Unidos noong 2016 ang pagbebenta ng 26,000 rifles sa bansa dahil sa human rights concern sa war on drugs.
Ayon sa Pangulo – walang hinihinging kapalit ang China.
Nanindigan din ang Pangulo na hindi siya gagamit ng pwersa laban sa China para resolbahin ang awayan ng teritoryo sa West Philippines Sea.
Inaasahang dadalo si Pangulong Duterte sa ikalawang Belt and Road Forum na inorganisa ng China ngayong buwan.
Facebook Comments