Tiniyak ng China na ipaprayoridad ang Pilipinas sakaling magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang pahayag ng China matapos umapela si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping na mabigyang prayoridad ang Pilipinas sa dine-develop nilang bakuna.
Sa Twitter post, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin na handa nilang bigyan ang Pilipinas ng access sa kanilang bakuna.
Bukod dito, sinabi rin ni Wang na handa rin ang China na makipagtulungan sa Pilipinas na resolbahin ang isyu sa South China Sea sa pamamagitan ng “friendly consultation.”
Facebook Comments