Manila, Philippines – Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi gustong hiyain ng Pilipinas ang China sa usapin sa West Philippine Sea issue.
Ayon kay Cayetano, ang gusto ng Pilipinas ay ang pagkakaroon ng mapayapang resolusyon sa territorial dispute as West Philippine Sea at hindi mangyayari ito kung adversary o palaban ang magiging mga pahayag ng Pilipinas sa China.
Matatandaan na isusulong ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ang Frame work ng Code of Conduct on South China sea pero hindi ito legally binding sa ngayon na umani naman ng kritisismo mula sa ilang sector na naniniwala na dapat ipilit ng Pilipinas sa China ang pagkapanalo nito sa Arbitral Tribunal.
Naniniwala kasi si Cayetano na hindi dapat ipamukha ng Pilipinas sa China ang Arbitral tribunal dahil kung gagawin ito ng pilipinas ay walang patutunguhan ang sitwasyon at possible pa itong lumala.
Sinabi ni Cayetano na marami nang nabago sa sitwasyon sa South China sea ay maganda ang epekto nito kaya naniniwala siya na dapat itong maisama sa joint Communiqué.
Binigyang diin din ni Cayetano na hindi ito labanan ng matibay o mahinang statement ng ASEAN sa territorial dispute kundi ito ay para magkaroon ng mayapayang resolusyon sa usapin.