Hindi hangad ng China na magsimula ng kaguluhan sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua – ang military strategy ng China ay naka-sentro sa self-defense at post-strike response.
Hindi aniya sila ang unang magpapaputok.
Umaapela rin si Zhao sa mga claiman countries tulad ng Pilipinas na maging mapagpasensya.
Nais ng China na maresolba ang tensyon sa mapayapang paraan.
Pero para kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – hindi sila magpapakampante at hindi rin sila agad maniniwala sa mga sinasabi ng China.
May duda rin si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga pahayag ng China dahil salungat ito sa mga ginagawa nila sa lugar.
Hindi na rin nagtataka si Lorenzana kung bakit mababa ang tiwala ng mga Pilipino sa China.
Matatandaang noong 2016 nang paboran ang Pilipinas at ibasura ng United Nations Arbitral Tribunal ang basehan ng pag-aangkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea.