Iginiit ng Department of National Defense (DND) na hindi pinipigilan ng China ang pagtungo ng mga Pilipino sa West Philippine Sea at puntahan ang mga isla nito sa Spratlys.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – malayang nakakapunta ang mga tropa ng pamahalaan sa mga isla para magdala ng supply sa mga tao nakatalaga doon.
Aniya, may mga tropang nakatalaga sa siyam na isla sa Spartly archipelago, gaya ng Pag-Asa Island, Kota Island, Parola Island, Likas Island, Patag Island, Panata Island, Lawak Island, Rizal Reef at Ayungin Shoal.
Dagdag pa ni Lorenzana – pag-aari rin ng Pilipinas ang mga islang isinailalim na sa militarisasyon ng China, gaya ng Panganiban Reef, Subi Reef at Fiery Cross Reef.
Naniniwala si Lorenzana na kung mayroon lamang na matibay na paninindigan ang mga bansang miyembro ng ASEAN hinggil sa isyu, posibleng mag-iba ang sitwasyon sa pinagtatalunang karagatan.