Manila, Philippines – Malinaw para kay Senador Richard Gordon na hindi maaasahang kaibigaan at kaalyado ng Pilipinas ang China.
Patunay nito, ayon kay Gordon ang malayang panggigipit ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino at pagkuha sa kanilang huling mga isda.
Diin ni Gordon, hindi dapat kinakaya kaya ng China ang Pilipinas lalo at hindi naman tayo nanghihimasok sa kanila at ang lugar kung saan nangingisda ang mga Pilipino ay para naman sa lahat.
Bunsod nito, ay iginiit ni Gordon ang kahalagahan na palakasin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para magkaroon ito ng kakayahan na ipagtanggol at protektahan ang ating mga teritoryo.
Isinulong pa ni Gordon na magkaroon ng mas mahigpit na alyansa ang Pilipinas sa Korea, Japan, Indonesia, Singapore, Australia, New Zealand o Amerika sa oras na magpatuloy ang pambu-bully sa ating bansa ng China.