China, hindi magbabago ang katayuan nito sa South China Sea

Iginiit ng China na hindi magbabago ang kanilang katayuan patungkol sa arbitration ruling sa South China Sea kahit plano itong talakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Chinese President Xi Jinping sa kanilang pagpupulong ngayong Linggo.

Nabatid na hindi kinikilala ng China ang ruling na ibinaba ng United Nations Permanent Court of Arbitration sa the Hague noong 2016 pabor sa Pilipinas at nagpapawalang bisa sa ‘nine-dash-line’ claim ng Beijing sa South China Sea.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang, makakamit ang kapayapaan at katatagan sa Rehiyon kung pag-uusapan ng maayos ang isyu.


Aniya, ang Pilipinas ay “friendly neighbor” ng China at mahalagang partner sa Belt and Road Initiative.

Si Pangulong Duterte ay nasa China mula August 28 hanggang September 1 kung saan maliban kay President Xi ay makikipagkita rin ito kay Chinese Premier Li Kequiang.

Makikipagkita rin ang Pangulo kay Chinese Vice President Wang Qishan na sasamahan siya sa FIBA World Cup sa guandong para panoorin ang laban ng Gilas Pilpiinas kontra Italy.

Facebook Comments