China, hindi magbabago ang posisyon sa UN arbitral ruling sa usapin ng West Philippine Sea

Nanindigan ang China na hindi kailanman kikilalanin ang arbitral ruling na inilabas ng United Nations Convention on the law of the sea tungkol sa pagmamay-ari ng West Philippine Sea.

Ito ang muling iginiit ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa panayam ng Media.

Si Ambassador Jianhua ay dumating sa tanggapan ng DILG sa Quezon City ngayong araw para personal na iabot kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang 10 milyong pisong ayuda ng China sa mga biktima ng malakas na lindol sa lalawigan ng Batanes.


Ito ay kaugnay na rin ng nakatakdang pagbisita sa China at planong pag-invoke ni Pangulong Duterte sa 2016 ruling.

Gayunman sinabi ni Ambassador Jianhua na nakahandang makipagtulungan ang China sa Pilipinas lalo na sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nais aniya ng China na mapag-ibayo pa ang relasyon at pakikipag-kaibigan nito sa ating bansa.

Paliwanag ng Chinese official, ang kasalukuyang sigalot sa West Philippine Sea ay isang porsiyento lamang sa kabuuan ng relasyon ng dalawang bansa.

Mas makabubuti sa ngayon ani Jianhua kung itutuon ang atensyon sa mga usapin na ang mas mabibenepisyuhan ay ang mga Filipino at Tsino.

Facebook Comments