China, hindi magbabanta ng giyera, ayon sa isang Maritime Law Expert

Naniniwala ang Maritime Expert na si UP Prof. Jay Batongbacal na hindi mananakot ng giyera ang China.

Kasunod ito ng muling paggigiit ng Malacañang na ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng giyera kaya hindi niya mapagbawalan ang mga Tsino na mangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sinabi raw kasi ni Chinese Pres. Xi Jinping na baka mauwi sa giyera kung ipipilit ng Pilipinas ang Oil Drill sa Palawan.


Pero para kay Batongbacal, malabong gawin ito ng China lalo’t kasalukuyan itong nagpapabango ng imahe sa mundo.

Samantala, nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang papel ang kasunduan nina Pangulong Duterte at Pres. Xi hinggil sa pagpayag nitong mangisda ang mga Tsino sa EEZ ng bansa.

Aniya, “informal agreement” lang ito pero maituturing pa rin itong “valid and binding”.

Facebook Comments