Binasura ng China ang hirit ng Pilipinas na pagbayarin ito ng 60 million pesos sa danyos kaugnay ng insidente sa West Philippine Sea (WPS) noong June 17,2024.
Ayon sa Chinese Embassy sa Pilipinas, ang Pilipinas ang may kasalanan dahil nilabag daw nit ang territorial waters sa pagsasagawa ng iligal na resupply mission.
Iginiit din ng China na kailangang harapin ng Pilipinas ang resulta ng mga hakbang nito sa nasabing katubigan.
Ayon pa sa Chinese Embassy, naayon sa batas at tama lang ang naging hakbang ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga kagamitan na pag-aari ng Pilipinas.
Magugunitang dalawang motorboats ng Pilipinas ang sinira ng CCG, kinuha rin ang mga armas at mga personal na kagamitan ng mga tauhan ng Philippine Navy na na nagsagawa ng resupply mission sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong June 17.