China, hindi maitituring na kaibigan ng Pilipinas

Hindi maituturing na kaibigan ng Pilipinas ang China.

 

Ito ang pahayag ni Senator Richard gOrdon sa harap na rin ng pag-aligid ng daan-daang barko ng China sa Pag-Asa Island.

 

Paliwanag ni Gordon, kung kaibigan ng Pilipinas ang China. Hindi ito dapat nagpapadala ng sangkaterbang sundalo at barko para gipitin ang mga mangingisdang Pilipino sa sarili nating teritoryo.


 

Bunsod nito ay iginiit ni Gordon na dapat mapalakas ang ating sandatahang lakas para igalang tayo ng China.

 

Ikinatuwa naman ni Gordon ang paghahain ng Department Of Foreign Affairs ng diplomatic protest laban sa China.

Facebook Comments