Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Usec. for Rails Cesar Chavez na hindi itinuloy na pondohan ng China ang tatlong big ticket railway project na isinulong sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chavez, walang tugon ang gobyerno ng China sa hiling ng Pilipinas para pondohan ang Tagum, Davao-Digos Railway, Calamba-Bicol Railway at Subic-Clark Railway.
Hindi naman nagbigay ng paliwanag si Chavez kung bakit hindi kumilos ang China sa nasabing request.
Sinabi naman ni Chavez na ipinag-utos na ni Pangulong Bongbong Marcos na bumalik sa negotiating table.
Ikinokonsidera rin ng Marcos administration na humanap ng ibang mapagkukunan ng pondo para umusad ang mga nabanggit na proyekto.
Ang nasabing mga proyekto na popodohan sana ng China ay aabot sa P200 bilyong piso.