Inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi ang China ang tanging pinagmumulan ng pamumuhunan para sa Pilipinas.
Ang pahayag ay matapos hingan ng komento si NEDA Secretary Arsenio Balisacan ukol sa sinabi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na ang geopolitical challenges sa West Philippine Sea at Strait of Taiwan ay maaaring makadiskaril sa mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) ng China.
Ayon kay Balisacan na ang Pilipinas ay may iba pang “potential funders.”
Paliwanag ni Balisacan, sinusubaybayan nila ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Belt and Road initiative.
Idinagdag ng ng kalihim na iniuulat nila ang mga development ng mga proyektong ito kay Pangulong Bongbong Marcos.
Kung hindi na aniya susuportahan ng China ang mga proyekto, maaaring buksan ito ng gobyerno ng Pilipinas sa ibang mga bansa.
Gayunpaman, hindi tinukoy ni Balisacan kung anong mga bansa ang maaaring pondohan ang mga proyekto kung hindi na susuportahan ng China ang mga ito.