China, hinigpitan ang parusa sa mga babastos ng kanilang national anthem

World – Tatlong taong pagkakakulong ang maaring sapitin ng sinumang mambabastos sa pambansang awit ng China.

Sa bisa ng national anthem law, bawal ng patugtugin ang pambansang awiting ‘The March of the Volunteers’ bilang background music sa mga pampublikong lugar.

Hindi na rin ito maaring awitin sa mga pribadong lugar kung hindi naman kinakailangan.


Nakatakdang ipatupad ng China ang batas na ito sa Hong Kong at Macau.

Facebook Comments