Manila, Philippines – Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na stable pa rin ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay sa kabila ng intrusion ng China sa mga isla sa WPS partikular sa Pag-asa island.
Sa pagdalo ni Cayetano sa executive session tungkol sa WPS, sinabi nitong patuloy ang ganitong sitwasyon na may mga barko at pagtatayo sa West Philippine Sea pero patuloy din ang kanilang pagmomonitor at pakikipag-ugnayan sa China kaugnay sa sitwasyon.
Ayaw namang kumpirmahin o i-deny ng kalihim ang mga nasabing impormasyon na may Chinese vessels na nakapasok sa teritoryo ng bansa.
Aniya, hindi nila pwedeng idetalye ang mga hakbang ng gobyerno pero kanilang ipaaalam agad sa publiko kung ito ay diplomatic o military cause.
Dagdag dito, hindi na rin diplomatic action ang ginagawa ng Pilipinas sa tuwing may makikitang barko o itinatayo sa WPS kundi peace at dialogue na upang maiwasan ang paglala sa territorial dispute.
Pinayuhan naman ni Cayetano ang publiko na huwag palaging tingnan na kalaban ang China at magsimulang mag-develop ng tiwala dito.
Sa katunayan, dalawang beses na nagtungo ang kinatawan ng China sa Pilipinas para pag-usapan ang nasabing sitwasyon.