China, iginiit na boluntaryo nilang inalis ang floating barrier sa Bajo de Masinloc

Courtesy: Philippine Coast Guard

Pinabulaanan ng China Coast Guard (CCG) ang pahayag ng Pilipinas na inalis nito ang floating barrier sa Bajo de Masinloc.

Sabi ni CCG Spokesperson Gan Yu, inilagay nila ang harang dahil panghihimasok ng barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa lugar.

Pero kalaunan ay boluntaryo rin daw nilang inalis ang lambat.


Samantala, kahapon, ipinrisinta ng Philippine Coast Guard sa media ang nakuha nitong anchor o angkla mula sa inilatag na floating barrier ng China.

Sabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, pinutol at kinuha lang nila ang nangangalawang na angkla.

Inalis lang aniya ng China ang floating barrier nang mapansing inaanod at hindi na ito nakaharang sa bunganga ng Bajo de Masinloc.

Facebook Comments