China, iginiit na hindi makikialam sa internal affairs ng Pilipinas

Iginiit ng China na hindi sila nanghihimasok sa internal affairs ng Pilipinas.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa isang Chinese national sa tapat ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) kung saan sinasabing nag-eespiya ang Tsino.

Sa statement ni Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun na ipinaabot ng Chinese Embassy sa Pilipinas, iginiit ng Tsina na naninindigan ang China sa principle of non-interference internal affairs ng ibang bansa.

Wala rin aniyang interes ang Tsina na manghimasok sa mga kaganapan sa loob ng Pilipinas.

Pinapayuhan din ng China ang mga politiko sa Pilipinas na huwag gawan ng isyu ang Tsina para sa kanilang mga pansariling interes.

Facebook Comments