Iginiit ng China sa European Union na parte ng Nansha Islands ang Julian Felipe Reef at walang bisa ang 2016 arbitral award ng Pilipinas.
Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Mission sa European Union, ang Julian Felipe Reef at ang mga katabing tubig nito ay isang mahalagang lugar para sa mga Chinese fishing boats.
Habang nananatili din anilang soberanya at interes ng China ang South China Sea na matagal nang nabuo at alinsunod sa International Law.
Ang Julian Felipe Reef ay may layong 175 nautical miles (324 kilometro) kanluran ng Bataraza, Palawan at pasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Facebook Comments